Gandang umaga sa inyong lahat!
‘Yong nasa Pinas ngayon I’m sure naghihilik pa. Buti pa sila. Hehe. Kami kasi ng kapatid ko ay di pa natutulog. Gising kami buong magdamag kasi nga nakaburol pa ang lola namin. Hihintayin na lang namin maluto ang breakfast bago matulog… so habang wala pa eto ako at nagblablog. Pumunta nga pala kami sa palengke kanina around 5am. Market day ngayon kasi Sunday kaya buhay na buhay na ang palengke. Bumili ako ng isang kilong ribs at chorizo. Yong chorizo ang kakainin namin for breakfast at yong ribs naman ay for lunch. Sobrang naaliw talaga ako sa palengke kasi aside sa mga fresh gulay at karne eh may ukay2x pala dun. Hehe. Lam nyo naman ako, si ukay2x queen kaya di ko napigilan ang sarili ko. Tumingin-tingin ako sa mga binebenta dun at baka may magustuhan ako pero walang pumasa sa taste ko eh. Eto nga pala ang mga pictures na kuha ko sa palengke:

daming ukay2x

dito kami bumili ng ribs

pauwi na kami ni jam sa bahay. this is the street where i grew up. sobrang love ko ang place na to. tinatawag namin to na “millionaire’s street” kasi dito mo makikita ang malalaking bahay sa Mintal pero di kasali bahay namin dun. hehe. mukhang servant’s quarter nga eh kasi yong katabi namin ay 2-storey at yong nasa may harap eh 3-storey.

eto bahay ng parents ko. kulay green kasi green-minded nakatira dito.. este.. nature lover pala. hehehe!

mga kapatid ko - bevs & jam. mahilig talaga sila magpacute sa camera.
ok cge, babooo na muna byuti ko. breakfast is ready na daw sabi ng maid namin. hehe.see you again later.










by kitty , on September 30 2007 @ 7:28 pm
awww, miss ko na ang Pinas, ganyan rin itsura sa neighborhood namin sa Olongapo city, very peaceful look. uy, che picture naman ng place where you live o, sana naman bigyan mo kami ng virtual tour kung saan kayo nakatira or di kaya kung saan saan lang naman ng hangouts nyo, condolence, sister masakit talaga mawalan ng minamahal sa buhay, but I am sure your lola is in peace and happy with our father in heaven… take care and God bless, sis…
by kitty , on September 30 2007 @ 7:28 pm
naku, ukay ukay! kakaaddict kung magaganda mga binebenta diba. hehee =)
by Meeting new friends | Caroleen’s Treasures , on January 16 2010 @ 6:17 am
[...] who grew up in that place. Last night I scoured her blog for the post she did many months ago when her grandma died. It has photos of their house. I was lucky to have found it last night so I told Donald we might [...]